Miyerkules, Disyembre 10, 2014

Tona, Haba, Diin at Antala

Apat na ponemang suprasegmental

May apat na ponemang suprasegmental:

1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

Halimbawa:
1. bu.kas -  nangangahulugang susunod na araw
2. bukas - hindi sarado

2. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)

3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling ( - )

Halimbawa:
1. Hindi, siya ang kababata ko.
2. Hindi siya ang kababata ko.
                                                                                   
4. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

Halimbawa:
1. BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa
3. LA:mang - natatangi
4. la:MANG - nakahihigit; nangunguna

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento