Miyerkules, Disyembre 10, 2014

Paksa ng Sanaysay

Sanaysay

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Dalawang Uri ng Sanaysay

[baguhin]Pormal o Maanyo

Ang salaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.

[baguhin]Pamilyar o Palagayan

Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

[baguhin]Tatlong Bahagi ng Sanaysay

[baguhin]Unang Bahagi/Simula

Dito namamalas ang pambungad at ang paksa ng sanaysay.

[baguhin]Ikalawang Bahagi/Gitna

Dito ipinaliliwanag o kaya'y pinatutunayan ang paksa o tesis.

[baguhin]Ikatlong Bahagi/Wakas

Dito inilalahad ang kongklusyon o paglalagom

Tona, Haba, Diin at Antala

Apat na ponemang suprasegmental

May apat na ponemang suprasegmental:

1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

Halimbawa:
1. bu.kas -  nangangahulugang susunod na araw
2. bukas - hindi sarado

2. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)

3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling ( - )

Halimbawa:
1. Hindi, siya ang kababata ko.
2. Hindi siya ang kababata ko.
                                                                                   
4. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

Halimbawa:
1. BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa
3. LA:mang - natatangi
4. la:MANG - nakahihigit; nangunguna

Pandesal

Pandesal
“Tinapay na may asin” ang literal na ibig sabihin ng espanyol na pan de sal. Ang sangkurot na asin (sal sa espanyol) marahil ang ikinatangi nito upang maging paboritong panghalili sa almusal ng isang bansang higit na nasanay kumain ng kanin.
Maliwanag na isang pamana ng kolonyalismong espanyol ang pandesal. Ni hindi nagtatanimng trigo ang mga Pilipino ng dumating ang mga espanyol noong ika-16 dantaon. Subalit kailangan ipag-utos ang pagmasa ng galapong na trigo para gawing tinapay dahil ito ang nakamihasnang pagkain ng mga mananakop. Bukod pa, gawa mula sa pinakapinong harina ang ostiyang kristiyano.
Bukod sa pandesal, mahilig ang mga Pilipino sa ibang tinapay bilang meryenda at siyempre pa’y naging kakumpetensya ng katutubong kakanin at puto. Naging popular ang ibang tinapay kaugnay ng mga tustang panrelihiyon. Halimbawa, ipinasok ng mga espanyol ang pagkain ng tinapay tuwing Setyembre 10 sa mga parokyang patron si San Nicolas Tolentino, isang ermitanyong italyano at kasapi ng ordeng agustino. Karaniwang nilalarawan siyang nakadamit ng itim at may hawak na liryo kung minsan, may hawak siyang bulsikot o piraso ng tinapay na sumasagisag sa kanyang patuloy na pagtusong sa mga maralita hanggang sa mamatay siya noong 1306.
Isa namang paborito tuwing pasko ng pagkabuhay, todos Los Santos (tingnan todos Los Santos), at pasko (tingnan Pasko) ang matamis at mamantekilyang ensaymada. Winisikan lamang ng puting asukal ang tradisyunal na ensaymada. Nadagdag ang kinudkod na keso, karaniwang eden, nitong peacetime sa maynila. Bago magkadigma sinasabing ipinasok ang pagpapalamuti ng itlog na pula at kesong puti sa ensaymada ng Malolos, Bulacan.
Samantala, bukod sa tradisyunal na galyetas at biskuwit , napuno ang estante ng panaderya sa iba’t ibang tinapay na may sari’t saring palaman at pampalasa. Maituturing na Pilipino ang mga tinapay na may lahok na niyog at saging. Hindi rin nananatili sa almusal kasama ang kape at pandesal. Ibinabaon itong sandwits, gaya ng naging turing sa mahigpit nitong kalaban-ang panamerikano, isang mahaba, malambot at tinilad na tinapay, na naging popular noong panahon ng amerikano.
Naging pamantayan din ang pandesal ng ekonomiyang pambansa. Itinuring ang patuloy nitong pagliit bilang patunay na tumataas ang presyo ng inaangkat na arina, at samakatuwid, na humihina ang halaga ng piso. Naging pagkakataon naman ito sa naging malakas na benta nitong dekada 70 ng hot pandesal-na maliit nga ngunit dahil sa bagong teknolohiya’y napapanatiling laging mainit.

Martes, Disyembre 9, 2014

Ang aking Repleksyon sa "Taglish:Hanggang Saan?"

Para po saakin ay hindi masamang gamitin ang taglish dahil sa taglish Ay nasasabi natin ang gusto natin iparating sa iba sa panahon na gagamitin natin ang mga salitang Walang tagalog na salita at para rin po saakin pwede rin pong gamitin ang Taglish  sa Mga pormal na okasyon dahil  ang 2 lengguwahe naman na nakapaloob sa taglish ay  mga lengguwahe na nararapat nating gamitin kaya walang Masama sa pag gamit ng talgish at Kahit ano pang lengguwahe ang ating  gamitin, kung wala tayong naapakan na kapwa  at ating napapahayag natin ang ating nararamdaman  ay ayos lang :)

Ibong Adarna/ Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania

Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kuwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora May ilang mga kritikoang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw

Akdang Di-Katha

Di-kathang isip

Ang hindi kathang-isip o di-kathang-isip ay isang paglalahadpagsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa na inihaharap ng isang may-akda bilang katotohanan. Ang ganitong paghaharap o presentasyon ay maaaring tumpak o hindi; na ang ibig sabihin ay maaaring magbigay ng tunay o hindi tunay na paglalahad ng paksang tinutukoy. Subalit, pangkalahatang inaakala na ang mga may-akda ng ganitong mga paglalahad ay mga makatotohanan sa panahon ng pagkakasulat. Tandaan na ang pag-uulat ng mga paniniwala ng iba sa anyong hindi kathang-isip ay hindi kinakailangang isang pagtataguyod ng sukdulang katotohanan ng ganiyang mga paniniwala; payak na sinasabi lamang nito na tunay na pinaniniwalaan ito ng mga tao (para sa mga paksang katulad ng mitolohiyarelihiyon, atbp). Maaari ring magsulat ng paksang kathang-isip ang mga manunulat ng hindi kathang-isip, kung saan nagbibigay ng kabatiran hinggil sa ganitong mga gawa. Ang hindi kathang-isip ay isa sa dalawang pangunahing mga kahatian sa pagsusulat, na partikular na ginagamit sa mga aklatan, na ang isa pa nga ay ang kathang-isip. Subalit, ang hindi kathang-isip ay hindi talaga kailangang nakasulat na teksto, dahil ang mga larawan at pelikula ay maaaring maging tagapagharap ng makatotohanang paglalahad ng isang paksa.

Lunes, Disyembre 8, 2014

Sanhi at Bunga

Sanhi at bunga

3

12
Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Halimbawa, nakuha mo ang pinakamataas na grado sa pagsusulit dahil nag-aral kang mabuti. Unang binanggit ang bunga at sumunod naman sanhi. Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa bunga. Isiping lagi ang ganito: Anong ideya o pangyayari ang naunang naganap (sanhi)? Ano ang kinalabasan (bunga)?
Sa komunikasyon, madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga. Layunin nitong ipakita na kaya naganap ang isang pangyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa gawaing ito, kailangan nating pag-aralan at tingnang mabuti ang isang pangyayari. Dito’y kailangan ang likas na pagkukuro at matalinong paninindigan sa pagpapasya at pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita atnababasa natin.
Mga panandang ginagamit sa hulwarang sanhi at bunga: dahil sa, sapagkat, nang, kasi, buhat, mangyari, palibhasa, kaya, resulta, sanhi, epekto, bunga nito, tuloy, atbp.
Halimbawang Teksto
Walang patumanggang pagputol ng kahoy sa mga bundok at kagubatan. Pagwawalang-bahala ng pamahalaan sa iligal na pagkakahoy. Ang hindi pag-uukol ng atensyon sa muling pagpapasibol at pagtatanim ng mga punungkahoy. Ang ating mga kabundukan ay kalbo na. Nararanasan na natin ang bunga ng mga gawaing iyon. Ang pagkakaroon ng tagtuyo’t kung katag-arawan at ang malalaking baha kung tag-ulan.
Kung dumarating ang malalaking baha, lahat ay napipinsala. Ang mga pananim ay nasisira. Ang mga kalye ay lalong nasisira. Maraming bahay, kasama ang mga kasangkapang nababad, ay baha ang nagiging sanhi ng pagkabulok at pagkasira. Paralisado ang mga sasakyan, tanggapan, at mga eskuwelahan. Malungkot isipin at sa palagay ko, dalawang uri lamang ng mamamayanang natutuwa kapag may baha. Ang mga estudyante pagkat walang pasok sa eskuwelahan, at ang mga nagtutulak ng kotse at dyip na nasisiraan sa gitna ng baha.